Saturday, July 26, 2025

11. Judgement

Title - Judgement 
Poem
Written by Leviathan
July 26, 2025 - 6:56 PM


Sword of justice, marred with innocent blood
God's anger unleashed, and nation ruined
By privileged few, judges always nod
The system crumbles, decency tainted.

From a simple bribe, hearts' cores gone rotten
Like Judas taking silvers from its new master
Lord, forgive us, history happened again
Do we have to be crossed, just be forgiven?

As the sky's heaven, while here is now hell
Sinned men and women, going to the churches
As they do not kneel, nor listen the bell
Facing cameras, with facade filled faces.

Only god is the judge, to all of people
Seeing the shameful sins, and the rightful deeds
With world gone corrupt, is justice possible?
As heaven went silent, while the hell's sin breeds.



How to cite our intellectual and artistic piece properly.

For example : 

MLA Format: 
Leviathan ."Batas."CRXZNT MOON - Official Blog, July 26, 2025, URL - https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1. Accessed Date [July 26, 2025].

APA Format: 
Leviathan. (2025). Batas. CRXZNT MOON - Official Blog. Retrieved from URL [https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1].

Chicago Format:
Leviathan. "Batas." CRXZNT MOON Official Blog. July 26, 2025. URL [https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1].

10. Batas

Titulo - Batas 
Tula
Isinulat ni Leviathan
July 26, 2025 - 3:10 PM

O kay tamis ng mansanas, ay may lason din.
Sakit ang dinaranas, naging korapsyong dumidiin.
Paano na ang mga taong humihingi ng saklolo.
Kung ang batas man din, sa mayayaman dumadalo.

O kay sakit ng tiyan, puso, at damdamin.
Sa paghihirap ng taong iniwan man din.
Ng batas na hindi nakatakip ang mga mata.
Dahil sa kinang at kagandahan ng mga nakuhang pera.

O diyosa ng hustisya, nasaan ka na ba?
Ang taumbayan ay naghahanap sa iyong espada.
Espadang masyadong matalim at may bahid ng dugo.
Kami nalang ba'y tatahimik at parating nakayuko?

Hatulan niyo kami, hustisyang may pinanigan.
Kaming mga inosenteng ordinaryong mamamayan.
Pinutulan ng ulo dahil ikaw ay naakitan.
Dahil sa perang iyong binulsa at napagkitaan.



How to cite our intellectual and artistic piece properly.

For example : 

MLA Format: 
Leviathan ."Batas."CRXZNT MOON - Official Blog, July 26, 2025, URL - https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1. Accessed Date [July 26, 2025].

APA Format: 
Leviathan. (2025). Batas. CRXZNT MOON - Official Blog. Retrieved from URL [https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1].

Chicago Format:
Leviathan. "Batas." CRXZNT MOON Official Blog. July 26, 2025. URL [https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1].

Friday, July 25, 2025

09. Mga pwede mong pagkakitaan kung artistic kang tao

Titulo - Mga pwede mong pagkakitaan kung artistic kang tao
Artikulo
Isinulat ni King Crescent 🌙
July 25, 2025 - 10:07 AM


1. Paggawa ng mga portraits mapa digital man o traditional.

2. Paggawa ng komiks :
- Paggawa ng webtoons (mga webcomics).
- Paggawa ng komiks (ipasa sa publisher para ma publish at kumita).
- Paggawa ng Komiks (mag self publish).

3. Mag apply as photographer kung marunong ka mag photograph.

4. Mag apply as videographer kung marunong kang mag take ng video.

5. Mag apply as graphic designer if may alam or kakayahan ka sa graphic design.

6. Kung ayaw mo naman mamasukan pwedeng magtayo ka ng sarili mong graphic design studio.

7. Pwede karing maging freelancer, infact napakaraming freelancing site sa internet (Upwork, Freelancer, Fiverr atbp).

8. Animation
- Pwede kang mag apply as 2D / 3D Animator if may alam o kakayahan ka na related sa animation.
- Pwede ka ring gumawa ng sarili mong animation channel, sobrang patok pa naman ng mga tagalog story time animations sa YouTube. Ilan sa mga kilalang YouTube Animator ay sila : Jen Animation, One Animation, Vince Animation, KeiNine Animations, Gelonimation, Dannimate PH, Arkin atbp.

9. Pwede ka tumanggap ng mga drawing / art related commissions mula sa mga kamag anak mo at iba pang mga kakilala.

10. Kung ang talento mo naman ay tungkol sa pagsusulat.
- pwede kang gumawa ng blogger website at imonetize ito.
- pwede kang gumawa ng medium account at imonetize ito.
- pwede kang mag apply as content writer sa iba't ibang industriya.
- pwede kang gumawa ng mga libro tungkol sa mga nobela, maikling kwento, tula at iba
 pang literatura na maari mong pagkakitaan mapa hard or softcopy, mapa publisher man prinoduce or self publish.
- pwede ka ding mag apply as columnist sa mga news agencies at magazines.

Ilan lamang ito sa mga maaring maging source of income mo kung ikaw ay artistic na tao.

Alam kong marami pang paraan para kumita ng pera as an artist na hindi ko nailista dyan. Pero gusto ko lang I stress na for me ito ang mga pinaka praktikal na paraan para sa aken na kumita as an artistic person.

Kayo ba ano pa ba sa palagay ninyo ang iba pang maaring pagkakitaan ng isang artistic na tao ?

Share nyo naman sakin yan mga pre after ninyo basahin ang blogpost na ito.

Muli this is King Crescent 🌙
Muling nagpapaalam 😇

Abang lang kayo sa susunod nating content.

Shout out sa mga tropa ko sa CRXZNT MOON Group

Wolf, Leviathan, Mister Edz, Jake, Lone Wolf 💪🔥Chicago Format:
Leviathan. "Batas." CRXZNT MOON Official Blog. July 26, 2025. URL [https://crxzntmoonofficial.blogspot.com/2025/07/10-batas.html?m=1].

Thursday, July 24, 2025

08. Ang aking vision para sa grupo

Titulo - Ang aking vision para sa grupo.

Artikulo

Isinulat ni King Crescent

July 24, 2025 - 7:53 AM


"Mga kaibigan kung mayroon mang tao na una o palaging magsasabi o magpapaalala na may nagtitiwala sa talino at kakayahan ninyo walang iba kung hindi ako yun mga pre "

- King Crescent 2025

Isinulat ko ang artikulong ito habang pinakikinggan sa kwarto ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. kung nasaan man kayo mga pre sana lahat kayo ay nasa mga maayos at ligtas na kalagayan.

Balik tayo sa paksa ng blog post na ito, 

Ano nga ba ang aking balak o vision para sa grupo? 

Sa totoo lang napakarami kong plano para sa grupo naten ang worry ko lang ay yung availability ng lahat para matupad ang mga yon. ano nga ba ang mga plano ko?

Eto ang mga yon basahin at unawain ninyo ang mga ito ng maigi:

1. Pangarap ko na balang araw magkaroon tayo ng negosyo na stable o kaya tayong buhayin at ang mga mahal natin sa buhay sa pamamagitan ng mga talento o passion na mayroon tayo.

2. Pangarap ko na balang araw makapag release tayo ng music album o single kung saan nandoon ang mga original na compose nating mga kanta.

3. Buhay parin sa isip ko ang pagiging artistic ng grupo naten, sa isip ko nga a aspire parin ako makagawa ng comic magazine, comics / manga book, maging ang paggawa ng youtube animation channel para sa mga sarili nating  mga gawang animations.

4. Looking forward parin ako mga pre na makakapag gala din tayo sa iba't ibang lugar sa bansa na magandang puntahan.

Mga pre sa blogpost na ito malinaw kong inilatag ang vision ko para sa ating grupo.

Sign ito mga pre na kahit kailan ay hindi na ako mawawala, hindi na mawawala ang grupo naten. 

Sa ngayon bumubwelo palang tayo pero kapag naging ok na ang lahat, kapag may sapat ng pera at oras ang lahat sana matupad natin ang 4 na mga vision na ito. 

Sana lahat ng mga yan ay matupad natin kahit gaano man katagal o kahirap. 

Sana manatiling matibay ang ating samahan bago, habang, pagkatapos natin matupad ang kanya kanyang mga pangarap natin sa buhay.

Kayo ba mga pare, mga kaibigan ko ano ba ang vision o plano ninyo para sa ating samahan ? 

Share nyo naman sa aken once na mabasa na ninyo ang write up na ito.


Muli this is King Crescent of CRXZNT MOON Group

Now Signing Off.

Wednesday, July 23, 2025

07. Salamat Mahal na Asawa ko

Titulo - Salamat Mahal na Asawa ko
Tula, Malayang Berso
Isinulat ni King Crescent
April 18, 2025

Maraming salamat poong May kapal
Salamat sa walang sawang pagmamahal
Salamat sa oportunidad na ibinigay mo sa akin
Oportunidad na balang araw ay makasal
Sa walang iba kung hindi sa aking pinakamamahal.

Salamat Panginoon kami ay nagkakilala
Salamat ang palagi kong nasasambit sa aking isip sa iyo kapag siya ay aking kasama
Salamat Panginoon sa oportunidad
mong binigay na siya ay aking mapangasawa
Iingatan ko po sya sa hirap at ginhawa.

Marami kaming pagkakaiba
Pero kami padin ay iyong pinagtagpo
Maraming salamat Diyos ko, sa pagpapamalas ng kadakilaan mo
Pangako ko sayo siya ay palaging aalagaan ko
Hanggang sa maubos ang aking hininga dito sa mundo.

Mahal kita , walang iba , asawa ko
Ikaw lamang , walang iba, pangako ko
Mamahalin kita hanggang sa lahat ng makakaya ko
Ikaw lamang hanggang dulo, Yan ay panghawakan mo.

Araw araw akong mabubuhay ng masaya
Basta bay araw araw kapiling kita
Ni minsan ay ayaw ko mawaglit ka sa aking gunita
Napakaganda mo, mahal na mahal kita.

Sumpa ko noon pa lamang umpisa
Sa pagdating ko hindi kana mag iisa
Pupunasan ko ang mga luha sa iyong mga mata
Papalitan ko yan ng kapanatagan at walang humpay na saya.

Maraming salamat sa wagas na pagmamahal
Asahan mo ang ating pag iibigan ay walang hanggan
Ikaw ang una at huli paka tandaan
Sa puso ko ikaw lamang ang syang laman.

06. Tatlong Rosas

Titulo - Tatlong Rosas 
Tula, Malayang Berso
Isinulat ni King Crescent
Aug 16, 2020


Pilit kong papalinawin ang mga araw na malabo
mga pangako ko sayo kahit kailan di mag lalaho
pilit kitang aabutin kahit gaano kahirap o kalayo
lahat ay aking lalakbayin kahit pa kabilang ibayo
mahal kita walang iba hinding hindi yun magbabago.

Tatlong rosas para sa iyong kagandahan
halimuyak ng mga talulot mo sa aking landas na lalakaran
musikang sinasambit ng dibdib ko ang iyong pangalan 
habang buhay kitang aalagaan at hinding hindi hahayaan. 

Buong puso ibibigay lahat pati talento
hindi na hahanap pa ng iba at mananatiling kuntento
mas solido pa sa kongkreto ang binitawang pangako't sakramento
mahal kita walang iba, alam mo yana't di sikreto.

Isang rosas para sa nag gagandahan mong mga mata 
mga matang nakaka kita ng aking halaga
pintig ng bawat puso ko palaging hinahanap ka
san man ako dahil ng aking mga paa.

Pangalawang rosas para sa patuloy na pananatili mo
sa pag mama mahal at pag titiwalang totoo 
hindi mauubusan ng pag papa salamat ang puso kong ito
para sa wagas at tunay na pag ibig mo.

At huling rosas para sa bawat oras na nandyan ka 
nung naglaho na lahat lahat sakin sinta
mga kaibigang nang iwan, buhay na di kasiya siya 
nanatili ka sinta, kaya mahal na mahal kita.

Tanggapin mo sana ang mga rosas na ito 
kalakip ng mga tulang inaalay ko sayo
mabatid mo sana ang nais ko iparating sayo 
mahal maraming salamat sa pananatili sa piling ko.

05. Magtatagumpay din tayo

Titulo - Magtatagumpay din tayo
Tula, Malayang Berso
Isinulat ni King Crescent
Jul 23, 2025 - 5:37 AM

Araw araw gumigising ng maaga
Kahit nakakaantok pa bumangon sa kama
Antok at pagod ay napapalitan ng gana
Kapag nakakahigop na ng mainit na kape sa tasa.

Araw araw ganito ang aking ritwal
Bangon, dasal, sipilyo at almusal
Mainit na kape, mantikilya at pandesal
Syempre hindi ko nakakalimutang magdasal.

Dala lagi ang payo ng aking mga magulang at asawa 
Na sa aking tenga ay musika, hindi nakakasawa
Araw araw kong dala ang kanilang mga inspirasyon at paalala
Kaya araw araw na pagod ay palagi kong kinakaya.

Magtatagumpay din tayo mga kaibigan ko
Magtatagumpay din tayo ako ay paniwalaan nyo
Magtatagumpay din tayo mga pangarap nating lahat ay magkakatotoo
Magtatagumpay din tayo mga kaibigan ko.

Kayod at tiyaga lang pag asa'y atin ding mahahanap
Kayod at tiyaga lang matutupad din lahat ng ating mga pangarap
Kayod at tiyaga lang makakaahon din tayo mula sa hirap
Kayod at tiyaga lang sa buhay, wag ding kakalimutang magpasalamat.

Mahirap ang buhay pero ganon talaga
Mahirap, pero kayang daanin sa tiyaga
Hindi pwede tumigil, pero pwedeng magpahinga
Patuloy lang sa paggawa ng masasayang pahina.

Pahina ng kwento ng buhay na magiging inspirasyon sa iba
Yun bang tipong magbibigay lakas ng loob sa mga taong nakukunsumi na
Mga kwentong magbibigay liwanag sa mga taong napupundi na
Mga taong kagaya mo na kahit naghihirap sa buhay patuloy na nagpupunyagi pa.

Magtatagumpay din tayo mga kaibigan ko
Sipag, tiyaga lang, tiwala sa ating talento
Mamuhay ng naayon, simple at kontento
Nawa'y maging inspirasyon sa iba ang ating karanasan, mga kwento.

Magtatagumpay din tayo mga kaibigan ko !

- This is King Crescent, now signing off.

Tuesday, July 22, 2025

04. Hindi kase kayo apektado

Titulo - Hindi kase kayo apektado
Artikulo, Opinyon
Isinulat ni King Crescent
Jul 22, 2025 - 7:36 PM

Lubog na naman ang kalakhang Maynila dahil sa walang humpay na ulan dulot ng bagyo na mas lalong pinalala ng habagat.

Lubog na naman ? Teka may bago ba don ? Parang palagi namang binabaha ang Metro Manila aa ano pa bang bago dun ?

Alam mo kase ikaw na blogger ka (King Crescent) napakarami mong dada at reklamo, nasa Pilipinas tayo malamang hindi maiiwasan na bagyuhin tayo taon taon kaya i expect mona madalas babahain ang mga lugar dito sa atin.

* Smiles * 
"Alam mo may tama ka
Oo may tama ka talaga 
Kung naiintindihan mo ang punto ko "
- King Crescent, 2025

Palagi palang nangyayari ea so ok lang na hanggang ngayon ganyan parin ang ating sitwasyon?

Palagi palang nangyayari ea edi sure ako na may sapat naman na sigurong pag aaral para paghandaan ang mga ganyan. 

Palagi pala nangyayari ea so kailangan baliwalain nalang yung paghihirap ng mga taong mismong naapektuhan ng baha kase nga PALAGI NAMAN SYANG NANGYAYARI EH ! kaya dapat wala ng umimik, wala ng dapat magsalita, wala na dapat magtanong o umusisa kase PALAGI NAMAN SYA NANGYAYARE EH ! kaya dapat wala ng mag inquire sa kung ito ba talaga ay hindi kayang solusyunan o wala lang talagang pakialam ang iba kase siguro sa isip nila ay :

- Wala namang magagawa ang mga mamamayan kung hindi mabuhay ng may ganyan taon taon, buwan, buwan kase kung hindi magpapatuloy ang buhay ng mga mamamayan lalo na ng mga working classes sila naman ang magugutom hindi naman ang mga namumuno o ang pamahalaan.

- Sa isip siguro nila wala namang sapat na kaalaman at awareness ang karamihan kaya kahit anong idahilan nilang rason ay kakagatin ng mga tao. 

Wala namang sapat na kaalaman at pakialam ang nakakarami ea kaya walang maglalakas loob sa kanila magtanong kung ano na nga ba ang balak ng pamahalaan sa usapin ng baha. 

Kaya confident sila walang magcha challenge kase wala namang sapat na kaalaman ang mamamayan. 

Sasabihan lang nila sa mga mamamayan na : Dahil yan sa geographic location naten, ganyan talaga ang siklo ng panahon sa ating bansa, wala tayong sapat na pondo at manpower para tugunan ang mga yan. Karamihan naman sa mga tao ay passive kaya ayun hindi na te take serious ang usapin sa pagbaha.

Saka isip siguro nila kapag wala ng mga ganyang kaganapan mahihirapan sila magpasikat sa mga constituents nila. 

Sa mga ganitong mga kalamidad bulag ka nalang pag hindi mo napansin ang mga epalitiko sa lugar ninyo. 

Imagine yung relief goods na pinamimigay nila ngayong panahong to naka balandra pa yung mga pangalan at mga pagmumukha nila na akala mo talaga sa sariling bulsa nila galing ang mga pinangtutulong nila sa mga tao.

Sa mga tiwaling politiko palaging oportunidad ang kasawian ng mga nakakarami para sa sarili nilang political gain.

Kahit ikaw ea na hirap na hirap o walang wala sa oras na ito tatanawin mong utang na loob ang pagpapasikat nila kahit trabaho naman talaga nila yon dahil eto ang malungkot na reyalidad ea hindi ka papakain ng pride mo sa mga ganitong kalunos lunos na sitwasyon.

Mga kababayan, kapatid, kapwa ko Pilipino, pakiusap wag na wag ninyo ipagbibili ang kapangyarihan ninyong magluklok ng lider ng bansa para lamang sa ayuda at iba pang mga bagay.

Alam ko madaling sabihin eto at mahirap gawin pero sa tamang lider / liderato mas magiging maayos ang buhay natin at buhay ng mga mahal natin sa buhay.

Huwag na huwag tayo papasilaw sa mga pananamantala ng mga taong ginagawang gasolina ang ating kalunos lunos na kalagayan para ma propel sila sa pwestong kanilang inaasam.

Huwag kayong maniwala na hindi masusulusyunan ang pagbaha sa bansa.

MASOSOLUSYUNAN YAN ! mga kababayan maniwala kayo saken. 

Hindi man agaran pero naniniwala ako na hindi imposible na masolusyunan yan. 

Sa kolektibo nating pagkilos, maayos na pamamalakad at tapat na paggamit ng kaban ng bayan ng pamahalaan hindi ako naniniwala na hindi darating ang araw na maiibsan ang problema natin sa pagbaha.

Sa mga walang pakialam sa ganitong uri ng usapin "HINDI KASE ATA KAYO NAAPEKTUHAN KAYA WALA KAYONG PAKIALAM SA GANITONG USAPIN" 


Maraming salamat mga mahal na mambabasa naway nasa ligtas kayong lahat na kalagayan ngayong patuloy parin ang pag uulan at pagbaha.

This is King Crescent of CRXZNT MOON,
Now signing off 

03. Nakalimutan

Titulo - Nakalimutan
Opinyon
Isinulat ni King Crescent
Dec 08, 2019

Ang nakakalungkot lamang isipin kung sino pa ang mga taong nagpapahirap para makapag produce ng pagkain sila pa ang walang makain, kung sino pa ang sektor na syang pangunahing kailangan ng lahat ay sila pa itong nakakalimutan tutukan o suportahan .

Nakaka dismaya isipin na kaya nating mag angkat ng mga produkto gano man kamahal ang presyo mula sa ibang bansa pero sa atin mismong mga magsasaka mga barat tayo.

Hindi din natin masisisi kung bakit ganun na lamang ang dami ng bilang ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya at iba pa dahil tignan mo naman ang agrikultura natin.

Mga magsasaka walang sariling lupa.

Baon sa utang kung saan saan.

binibili nga ang mga ani pero sa hindi naman makatarungang presyo.

Nagpasa pa ng mga batas na pabor sa mga kapitalista imbes na sa mga kababayan natin.

At eto pa yung pinaka nakapanlulumo sa lahat MADAMING MAGSASAKA ANG KINULONG AT NAPATAY dahil napagkamalang myembro ng NPA at mga terorista !

Natatawa na naiiyak akong isipin na sa kabila ng mabilis na pag angat ng teknolohiya at industriya sa bansa may mga sektor na nanganganib ng mawala.

Hindi natin kayang sumuporta ng tama sa mga taong nagsasakripisyo suongin ang nakakasunog na sikat ng araw at ang nagyeyelong putikan para lamang masigurado na mayroon tayong sapat na pagkain sa hapag kainan pero kaya nating gumawa ng mga bagay bagay international para lamang masabi na maunlad tayo.

02. Bakit mahalaga mag blog ?

Titulo - Bakit mahalaga mag blog ?
Artikulo
Isinulat ni King Crescent
July 22, 2025 - 10:36 AM

" Ano ba naman yan pre nagba blog ka pa din anong taon na aa, 2025 na nagba blog ka padin. Bakit hindi mo gayahin yung ano yung vlogging sa YouTube ayon pre baka sumikat at yumaman ka don "

Trivia :
Ang meaning ng blogging ay - pagtatala ng kahit anong intellectual writeups / feelings sa internet sa pamamagitan ng paggawa ng sariling website or paggamit ng mga free blogging platforms tulad nito (blogger). Malaki ang kaibahan ng blogging sa vlogging. Oo na alam ko magkaiba sila ng spelling and basa. Bukod dyan magkaiba sila ng way ng pagde deliver.

Sa blogging more on words although minsan may kasama rin itong mga pictures and videos. Ang market ng blogging ay yung mga taong mahilig magbasa.

Tulad ng mga taong nagbabasa at nagsusulat ng mga balita, mga academians / researchers.

Sa kabila naman ay ang vlogging, na kung tama ang pagkakaalam at pagkakaalala ko ang vlogging ay short word for video blogging. Dyan na nga papasok ang mga content creation na video ang way ng delivery. Madami ng video blogging platforms ang naglipana ngayon ang ilan sa mga pinaka sikat ay ang YouTube, TikTok, Instagram at iba pa.

Parehas may advantages ang dalawa.

Sa blogging kase may luxury ka na mag express ng idea mo sa mas detalyadong paraan ng hindi nagwo worry kung ma bo bored ba or mawawalan ng interest ang iyong audience / market.

Kung ang isang tao kase ay mas prinefer na magbasa about sa isang bagay instead na maghanap na easy to find resources sa internet it's safe to assume na mayroon silang oras o patience na basahin yang blogpost or blog content mo kahit gaano pa yan kahaba o ka kumplikado as long as ito ay interesting and beneficial sa kanila.

Lipat naman tayo sa kabilang banda - sa Vlogging,

Ang advantage ng vlogging ay sobrang obvious. hindi sya ganun ka effort gaya sa blogging na mag iisip ka muna ng maigi sa kung ano ang isusulat mo bago mo i post. Sa video blogging kase ea hindi naman lahat at palagi. minsan kase sa video blogging kung ano ano lang yung mga ginagawa at sinasabi ng mga tao sa harap ng kanilang mga kamera.

No offense, sa mga video bloggers pero para talaga sa akin mas ma effort parin ang pagsusulat ng blog kaysa sa paggawa ng mga video blogs. 

Eto ay aking opinyon lamang, malaya kang mag disagree sa aking mga sinasabi / o sinulat basta see to it na ang iyong disagreement ay nagmumula sa konstraktibong kritisismo (constructive criticism).

Balik tayo sa tanong sa simula palang ng blog post na ito.

" Bakit mahalaga ang blog ?"
" Bakit nagbablog ka parin ? "

Bakit mahalaga ang blog ?

Mahalaga ang mga blog dahil na e express dito ng mas malalim ang mga paksang tinatalakay. Bukod dyan hindi lahat ay may lakas ng loob or sapat na tiwala sa sarili para humarap at magsalita sa harap ng kamera. nakakatulong din ito sa paghasa ng talento at reading comprehension ng mga mambabasa at susumulat nito. napakarami nyang benepisyo sa mga mambabasa at manunulat. infact isa ang online blogging sa mga nag paved ng daan para mabuo ang internet at maging ang mga social media platforms na napapakinabangan at na e enjoy natin ngayon.

Bakit nagbablog ka parin ?

Hindi ako nagbablog para sumikat o yumaman or para ipakita sa iba na mas magaling o mas marunong ako.

Nagbablog ako para i dokumento ang estado ng aking kaisipan sa paglipas ng panahon.

Gusto ko kase ma document and makita ang ebolusyon ng aking pagkatao. 

Gusto ko rin ma evaluate na tama ba ang conception or understanding ko sa mga bagay bagay o hindi.

Bukod sa mga pangunahing rason na sinabi ko sa itaas kaya ako nagbablog ay talagang nag e enjoy din ako magsulat.



Hanggang dito na lamang muna ako mga mahal kong mambabasa.

This is King Crescent of CRXZNT MOON Group, Now signing off. 

Abang sa susunod na artikulong aking isusulat. 

Manatili sanang ligtas ang lahat ngayong nag uulan.

01. CRXZNT MOON 2025

Titulo - CRXZNT MOON 
Artikulo
Isinulat ni King Crescent
July 21, 2025 - 11:26 AM

Ano ang CRXZNT MOON ? 
- ang grupong ito ay binubuo ng anim na miyembro na may kanya kanyang unique na personalidad at talento.

Sino sino ang miyembro ng CRXZNT MOON?
- Ako si King Crescent

Ang mga tropa ko na sila :
- Wolf
- Jake
- Leviathan
- Mister Edz
- Lonewolf

Paano mo ilalarawan ang bawat isa sa grupo ?

Unahin kona si Wolf, matagal konang tropa to si Wolf, naging tropa ko ito kase halos sa lahat ng trip parehas kami : mapa genre ng kanta, parehas din kaming mahilig mag drawing. Napakaraming bagay na talagang magkasundo kami.

Sunod si Jake, ang masasabi ko lang kay Jake ay napaka bait ng taong ito. Minsan nga kami nalang nahihiya sa kanya sa mga kalokohan namin hahaha. Mabait, humble, marunong makisama.

Sunod si Leviathan AKA Commander Zero, tulad ni Wolf sya ay into Anime and Cosplaying. Ito yung tropa namin na sobrang updated sa mga bagong anime na nire release, mga anime based games, mga cosplay events. Bukod sa pagiging anime fanatic talented din na writer tong si tropa. Infact, gumagawa to ng mga sarili nyang fanfictions dati nung hindi pa sya ganun ka busy sa buhay. Mabait, makulit, masayang kasama yan si pare ko.

Si Mister Edz AKA DJ Knuxx, eto yung tropa namin na gamer parang si Wolf at Leviathan. Mahilig din ito sa anime. May mga collection din sya ng mga airsoft / toy guns. Eto rin yung tropa namin na talented sa pag e edit ng music at pagsusulat ng kanta, most of the time rap music ang kino compose at pine perform nya. Mabait, marunong makisama, hindi ka mabo boring pag tropa mo to.

Last but not the least is si Lone Wolf, eto yung tropa namin na sobrang creative and critical mag isip. Sobrang down to earth ng tropa kong ito. Maganda din yung sense of humor nya, Hindi boring kasama kase marunong makisama ang taong ito.

Ibaiba ang aming pinagmulan
Ibaiba ang aming personalidad at ugali
Ibaiba ang aming talino at kakayahan
Pero palagi kaming nagkakaisa

Nagkakaisa saan ?
Nagkakaisa para sa ika aangat ng lahat.

Hindi na muling magkakawatakwatak ang grupong ito.

Kaya wait lang kayo dyan sa mga pasabog na maari naming gawin sa mga susunod na araw.

Yung mga earlier posts na nakita ninyo dito sa page ay trailer palang ng mga maari o kaya naming gawin.