Titulo - Ang aking vision para sa grupo.
Artikulo
Isinulat ni King Crescent
July 24, 2025 - 7:53 AM
"Mga kaibigan kung mayroon mang tao na una o palaging magsasabi o magpapaalala na may nagtitiwala sa talino at kakayahan ninyo walang iba kung hindi ako yun mga pre "
- King Crescent 2025
Isinulat ko ang artikulong ito habang pinakikinggan sa kwarto ko ang malakas na pagbuhos ng ulan. kung nasaan man kayo mga pre sana lahat kayo ay nasa mga maayos at ligtas na kalagayan.
Balik tayo sa paksa ng blog post na ito,
Ano nga ba ang aking balak o vision para sa grupo?
Sa totoo lang napakarami kong plano para sa grupo naten ang worry ko lang ay yung availability ng lahat para matupad ang mga yon. ano nga ba ang mga plano ko?
Eto ang mga yon basahin at unawain ninyo ang mga ito ng maigi:
1. Pangarap ko na balang araw magkaroon tayo ng negosyo na stable o kaya tayong buhayin at ang mga mahal natin sa buhay sa pamamagitan ng mga talento o passion na mayroon tayo.
2. Pangarap ko na balang araw makapag release tayo ng music album o single kung saan nandoon ang mga original na compose nating mga kanta.
3. Buhay parin sa isip ko ang pagiging artistic ng grupo naten, sa isip ko nga a aspire parin ako makagawa ng comic magazine, comics / manga book, maging ang paggawa ng youtube animation channel para sa mga sarili nating mga gawang animations.
4. Looking forward parin ako mga pre na makakapag gala din tayo sa iba't ibang lugar sa bansa na magandang puntahan.
Mga pre sa blogpost na ito malinaw kong inilatag ang vision ko para sa ating grupo.
Sign ito mga pre na kahit kailan ay hindi na ako mawawala, hindi na mawawala ang grupo naten.
Sa ngayon bumubwelo palang tayo pero kapag naging ok na ang lahat, kapag may sapat ng pera at oras ang lahat sana matupad natin ang 4 na mga vision na ito.
Sana lahat ng mga yan ay matupad natin kahit gaano man katagal o kahirap.
Sana manatiling matibay ang ating samahan bago, habang, pagkatapos natin matupad ang kanya kanyang mga pangarap natin sa buhay.
Kayo ba mga pare, mga kaibigan ko ano ba ang vision o plano ninyo para sa ating samahan ?
Share nyo naman sa aken once na mabasa na ninyo ang write up na ito.
Muli this is King Crescent of CRXZNT MOON Group
Now Signing Off.