Tuesday, July 22, 2025

03. Nakalimutan

Titulo - Nakalimutan
Opinyon
Isinulat ni King Crescent
Dec 08, 2019

Ang nakakalungkot lamang isipin kung sino pa ang mga taong nagpapahirap para makapag produce ng pagkain sila pa ang walang makain, kung sino pa ang sektor na syang pangunahing kailangan ng lahat ay sila pa itong nakakalimutan tutukan o suportahan .

Nakaka dismaya isipin na kaya nating mag angkat ng mga produkto gano man kamahal ang presyo mula sa ibang bansa pero sa atin mismong mga magsasaka mga barat tayo.

Hindi din natin masisisi kung bakit ganun na lamang ang dami ng bilang ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya at iba pa dahil tignan mo naman ang agrikultura natin.

Mga magsasaka walang sariling lupa.

Baon sa utang kung saan saan.

binibili nga ang mga ani pero sa hindi naman makatarungang presyo.

Nagpasa pa ng mga batas na pabor sa mga kapitalista imbes na sa mga kababayan natin.

At eto pa yung pinaka nakapanlulumo sa lahat MADAMING MAGSASAKA ANG KINULONG AT NAPATAY dahil napagkamalang myembro ng NPA at mga terorista !

Natatawa na naiiyak akong isipin na sa kabila ng mabilis na pag angat ng teknolohiya at industriya sa bansa may mga sektor na nanganganib ng mawala.

Hindi natin kayang sumuporta ng tama sa mga taong nagsasakripisyo suongin ang nakakasunog na sikat ng araw at ang nagyeyelong putikan para lamang masigurado na mayroon tayong sapat na pagkain sa hapag kainan pero kaya nating gumawa ng mga bagay bagay international para lamang masabi na maunlad tayo.