Tuesday, July 22, 2025

04. Hindi kase kayo apektado

Titulo - Hindi kase kayo apektado
Artikulo, Opinyon
Isinulat ni King Crescent
Jul 22, 2025 - 7:36 PM

Lubog na naman ang kalakhang Maynila dahil sa walang humpay na ulan dulot ng bagyo na mas lalong pinalala ng habagat.

Lubog na naman ? Teka may bago ba don ? Parang palagi namang binabaha ang Metro Manila aa ano pa bang bago dun ?

Alam mo kase ikaw na blogger ka (King Crescent) napakarami mong dada at reklamo, nasa Pilipinas tayo malamang hindi maiiwasan na bagyuhin tayo taon taon kaya i expect mona madalas babahain ang mga lugar dito sa atin.

* Smiles * 
"Alam mo may tama ka
Oo may tama ka talaga 
Kung naiintindihan mo ang punto ko "
- King Crescent, 2025

Palagi palang nangyayari ea so ok lang na hanggang ngayon ganyan parin ang ating sitwasyon?

Palagi palang nangyayari ea edi sure ako na may sapat naman na sigurong pag aaral para paghandaan ang mga ganyan. 

Palagi pala nangyayari ea so kailangan baliwalain nalang yung paghihirap ng mga taong mismong naapektuhan ng baha kase nga PALAGI NAMAN SYANG NANGYAYARI EH ! kaya dapat wala ng umimik, wala ng dapat magsalita, wala na dapat magtanong o umusisa kase PALAGI NAMAN SYA NANGYAYARE EH ! kaya dapat wala ng mag inquire sa kung ito ba talaga ay hindi kayang solusyunan o wala lang talagang pakialam ang iba kase siguro sa isip nila ay :

- Wala namang magagawa ang mga mamamayan kung hindi mabuhay ng may ganyan taon taon, buwan, buwan kase kung hindi magpapatuloy ang buhay ng mga mamamayan lalo na ng mga working classes sila naman ang magugutom hindi naman ang mga namumuno o ang pamahalaan.

- Sa isip siguro nila wala namang sapat na kaalaman at awareness ang karamihan kaya kahit anong idahilan nilang rason ay kakagatin ng mga tao. 

Wala namang sapat na kaalaman at pakialam ang nakakarami ea kaya walang maglalakas loob sa kanila magtanong kung ano na nga ba ang balak ng pamahalaan sa usapin ng baha. 

Kaya confident sila walang magcha challenge kase wala namang sapat na kaalaman ang mamamayan. 

Sasabihan lang nila sa mga mamamayan na : Dahil yan sa geographic location naten, ganyan talaga ang siklo ng panahon sa ating bansa, wala tayong sapat na pondo at manpower para tugunan ang mga yan. Karamihan naman sa mga tao ay passive kaya ayun hindi na te take serious ang usapin sa pagbaha.

Saka isip siguro nila kapag wala ng mga ganyang kaganapan mahihirapan sila magpasikat sa mga constituents nila. 

Sa mga ganitong mga kalamidad bulag ka nalang pag hindi mo napansin ang mga epalitiko sa lugar ninyo. 

Imagine yung relief goods na pinamimigay nila ngayong panahong to naka balandra pa yung mga pangalan at mga pagmumukha nila na akala mo talaga sa sariling bulsa nila galing ang mga pinangtutulong nila sa mga tao.

Sa mga tiwaling politiko palaging oportunidad ang kasawian ng mga nakakarami para sa sarili nilang political gain.

Kahit ikaw ea na hirap na hirap o walang wala sa oras na ito tatanawin mong utang na loob ang pagpapasikat nila kahit trabaho naman talaga nila yon dahil eto ang malungkot na reyalidad ea hindi ka papakain ng pride mo sa mga ganitong kalunos lunos na sitwasyon.

Mga kababayan, kapatid, kapwa ko Pilipino, pakiusap wag na wag ninyo ipagbibili ang kapangyarihan ninyong magluklok ng lider ng bansa para lamang sa ayuda at iba pang mga bagay.

Alam ko madaling sabihin eto at mahirap gawin pero sa tamang lider / liderato mas magiging maayos ang buhay natin at buhay ng mga mahal natin sa buhay.

Huwag na huwag tayo papasilaw sa mga pananamantala ng mga taong ginagawang gasolina ang ating kalunos lunos na kalagayan para ma propel sila sa pwestong kanilang inaasam.

Huwag kayong maniwala na hindi masusulusyunan ang pagbaha sa bansa.

MASOSOLUSYUNAN YAN ! mga kababayan maniwala kayo saken. 

Hindi man agaran pero naniniwala ako na hindi imposible na masolusyunan yan. 

Sa kolektibo nating pagkilos, maayos na pamamalakad at tapat na paggamit ng kaban ng bayan ng pamahalaan hindi ako naniniwala na hindi darating ang araw na maiibsan ang problema natin sa pagbaha.

Sa mga walang pakialam sa ganitong uri ng usapin "HINDI KASE ATA KAYO NAAPEKTUHAN KAYA WALA KAYONG PAKIALAM SA GANITONG USAPIN" 


Maraming salamat mga mahal na mambabasa naway nasa ligtas kayong lahat na kalagayan ngayong patuloy parin ang pag uulan at pagbaha.

This is King Crescent of CRXZNT MOON,
Now signing off